Buwan ng Agosto, Buwan ng Wikang Filipino

AddThis

Buwan ng Agosto, buwan ng pagdiriwang ng wikang Filipino. Ang buwan ng Agosto ay isang espesyal na buwan para sa mga Pilipino. Sa buwang ito, ginugunita ang ating pagka-Pilipino, ang pagkakaroon ng sariling wika na Wikang Filipino na walang takot na ipinaglaban ng ating ama ng wika—ang dating pangulong si Manuel Luis Quezon. Sa taong ito, “Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas.” Inihahatid nito na mas lalo pang pag-ibayuhin ang paggamit ng wikang sariling atin.

Ang pagdiriwang ng buwan ng wika ay hindi lamang pagbabalik tanaw sa kasaysayan ng wika, anong artikulo ang nagpapatibay sa wika at kung sino ang ama ng wikang pambasa bagkus inaalala din dito ang iba’t ibang kultura, tradisyon at paniniwala ng bawat mamamayang Pilipino. Ang selebrasyong ito ay punung-puno ng aliw at saya. Kaya naman, isang gawain ang inihanda ng HRA sa bawat Rosarians. Gawing tatak sa kanilang isipan at lubos na masisiyahan. Ang mga gawaing ito ay pagkakaroon ng trivia questions sa bawat antas tungkol sa kasaysayan ng wika, film viewing ng iba’t ibang akdang pampanitikan, paggawa ng slogan, paglalarawan sa ating kasaysayan gamit ang clay , at palarong pinoy tulad ng Pukpok Palayok at Egg Relay. Hindi rin mawawala sa pagdiriwang ang pagsuot ng mga katutubong kasuotan na kung saan nagkaroon pa ng paligsahan sa pagpili ng Lakan at Lakambini sa bawat antas.Sa mga gawaing ito ,bakas na bakas sa bawat mukha ng Rosarians ang walang katulad na kaligayahan. Hiyawan dito, sigawan doon, tawanan dito, at pagalingan doon, ito ang makikita mo sa bawat Rosarians. Kaya naman, masasabing naging matagumpay ang pagdiriwang. Maituturing man na simple lamang ang paggunita sa buwan ng wika ngunit masasabing ito ay walang katulad o natatangi sa lahat.

- Dianne Manreal

Google Map

Contact Details

St. Joseph Ave. corner Naga Road, Pulanglupa Dos,
Las Piñas City, 1740

Telephone:
(632) 820-8019 / 825-2027
Facsimile:
(632) 820-2723

HOLY ROSARY ACADEMY OF LAS PIÑAS CITY
KEY OFFICES - DIRECTORY

OFFICE OF STUDENT AFFAIRS / GUIDANCE OFFICE
(632) 881-6708

REGISTRAR’S OFFICE
(632) 881-6806

PRINCIPAL’S OFFICE
(632) 881-3667

Email: holyrosaryacademylpc@yahoo.com

Like us on Facebook!